Arwind Santos, alamat na sa San Miguel

Pinarangalan ng San Miguel Beermen sa isang jersey retirement ceremony ngayong Miyerkoles ang one-time PBA MVP na si Arwind Santos.

Pinarangalan ng San Miguel Beermen sa isang jersey retirement ceremony ngayong Miyerkoles ang one-time PBA MVP na si Arwind Santos.

Sa halftime ng bakbakang San Miguel at Blackwater Bossing idinaos ang seremonya, kung saan iniretiro ng Beermen ang numero ni Santos na 29.

“Hindi ko po alam kung saan ako mag-uumpisa pero gusto kong pasalamatan ‘yung mga taong talagang laging nandiyan, ‘yung mga nagmamahal sa akin lalo na ang aking pamilya,” saad ni Santos sa kanyang talumpati.

Higit isang dekada naglaro para sa Beermen si Santos, kung saan tinulungan niya ang koponan na masungkit ang siyam na kampeonato sa PBA.

Habang nasa San Miguel, dalawang beses na naging Best Player of the Conference si Santos. Naging All-Star din siya ng 12 beses at 10 beses naging parte ng Mythical First Team.

Nagtapos ang karera ni Santos sa San Miguel noong 2021 kung saan na-trade siya sa NorthPort.