Artistic competition para sa mga bilanggo, ikinakasa ng DILG

Planong magsagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng iba’t-ibang artistic competitions para sa mga bilanggo.

Planong magsagawa ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng iba’t-ibang artistic competitions para sa mga bilanggo.

Sa isang memorandum Circular, sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na bahagi ang nilulutong “National Painting, Handicraft Making and Songwriting Challenge for Persons Deprived of Liberty (PDLs)” ng kampanya kontra iligal na droga ng pamahalaan.

Hinikayat ni Abalos sa naturang kautusan ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at DILG Regional Offices na magtulungan sa pangangasiwa ng kompetisyon sa regional at national level.

Bukas sa lahat ng PDLs sa mga piitan sa ilalim ng BJMP ang patimpalak, paliwanag ni Abalos.

Ang mga mananalo sa regional level ay tatanggap ng P20,000 cash incentive, trophy at certificate, para sa first place, habang ang second at third place PDLs ay makakakuha ng P15,000 at P10,000 cash incentives, trophies at certificates.

Samantala, 10 PDLs ang makakatanggap din ng consolation prizes na P2,000 bawat isa habang ang certification of participation ay ibibigay sa lahat ng kalahok na jail units.

Sa national level, ang mananalong PDL ay tatanggap ng P150,000 cash incentive, trophy at certificate habang ang second at third place winners ay makakakuha ng P100,000 at P50,000 cash incentives plus trophies at certificates.

P5,000 naman ang igagawad sa 14 PDLs bilang consolation prize sa national level.