ARTA sa mga negosyante: Nandito kami para tulungan kayo

Handang tumulong ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa mga negosyante at kumpanya kung nagiging balakid ang reglamento ng gobyerno sa kanilang operasyon

Hindi dapat mag-atubili ang anumang negosyante o kumpanya na lumapit sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) kapag kailangan nila ng tulong makipag-ugnayan sa mga ahensiya ng gobyerno tungkol sa mga umiiral na reglamento.

Sa isang pahayag, ikinuwento ni ARTA Director General Ernesto Perez na marami nang kumpanya ang natulungan ang ahensiya pagdating sa pagsisiguro ng epektibo ang mga proseso ayon sa mga regulasyon.

Isa sa mga natulungan ng ARTA ang kumpanyang Texas Instruments na sumangguni sa ahensiya matapos humiling ng tulong para matupad ang hinihiling ng regulator nito.

“One big investor has come to us because they have this problem with a particular government agency which issued a regulation that cannot be complied with because the technology is not available in the country,” kwento ni Perez.

“So what happened, after ARTA conducted successive consultation meetings, that government agency decided to suspend the implementation and even relaxed the implementation and that company is very grateful,” aniya.

“We can allay the fears of these investors. What we’re doing is we can handhold with them, they can pinpoint to us that particular (local government unit) or agency wherein they’re having difficulty and ARTA will be there ready to go hand-in-hand with them,” dagdag pa ng opisyal.

Ani Perez, hindi dapat mangamba ng mga mamumuhunan at ng publiko kapag maghahain sila ng reklamo sa kanilang ahensiya dahil kumikilos ang ARTA kahit anonymous ang complaint.

“For transparency and accountability purposes, they should not fear. There’s nothing to hide,” ayon kay Perez.

“Based on a complaint filed before us or on an anonymous complaint, we can investigate. And the resolution rate of our legal department is 99 percent. We act fast,” aniya.