Arrest warrant kay Quiboloy, lumabas na sa Davao!

Naglabas na ng arrest warrant ang korte sa Davao para madakip si Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy.

Naglabas na ng arrest warrant ang korte sa Davao para madakip si Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy.

Ito’y kaugnay sa kasong paglabag sa Anti-Child Abuse Law na isinampa laban sa pastor.

Bukod kay Quiboloy, limang katao pa ang pinaaaresto ng Davao Regional Trial Court. Ito ay sina Jackiely W. Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid C. Canada at Sylvia Camanes.

Ayon sa korte, noong March 14 pa inisyu ang arrest warrant para sa kontrobersyal na pastor.

Ngunit dahil sa hinain na motion for reconsideration ng kampo ni Quiboloy sa Department of Justice ay hindi pa ito mapatupad.

Ayon sa Davao RTC, hanggang ngayon ay wala pa silang natatanggap na resolusyon hinggil sa apela ni Quiboloy, kaya kinailangan nang ipatupad ang arrest warrant.

“Having received none as of this date, the Court declines this time to await. As what was earlier determined upon judicious examination and perusal of information where it found probable cause, let the warrants of arrest already issued be implemented immediately,” saad sa order ng Davao RTC.