Army, pinalayas ang communist terrorist group sa Cawayan, Masbate

High-powered firearms, magazine, bala, nakuha ng mga sundalo mula sa mga iniwang gamit ng mga teroristang nakatakas.

MASBATE – Alas-5:47 ng umaga nitong Lunes, September 18, 2023 nang maka-engkwentro ng 2 nd Infantry Battalion, Philippine Army (2ID, PA) ang pitong (7) miyembro ng Communist Terrorist Group sa boundary ng Barangay Villahermosa at Barangay Calapayan, Cawayan, Masbate. Tumagal ang palitan ng putok ng halos sampung (10) minuto.

Wala namang nasugatan o namatay sa engkwentro subalit narekober sa lugar ng engkwentro ang isang M16 Rifle, magazine, mga bala at mga personal na gamit ng rebeldeng grupo.

Samantala, pinasalamatan ng tagapagsalita ng 9 th Infantry Division Philippine Army (9ID, PA) na si Captain Frank Roldan ang pakikipagtulungan ng komunidad sa laban ng gobyerno kontra sa rebeldeng grupo.

Nanawagan rin ito sa mga kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG) na bumitaw na sa mga maling ideyolohiya na pilit na ipinaglalaban ng makakaliwang grupo.