Arigato uli! Japan, patuloy na mamumuhunan sa Pilipinas—diplomat

Ilang araw matapos sabihing top choice ng Japanese investors ang Pilipinas, tiniyak naman ni Japanese Ambassador Kazuhiko Koshikawa  na patuloy na tutulungan ng Japan ang bansa.

Tiniyak ni Japanese Ambassador Kazuhiko Koshikawa nitong Huwebes, Oktubre 26, na patuloy na mamumuhunan ang Japan sa mga malalaking proyekto sa bansa.

Sinabi ito ni Koshikawa sa kaniyang talumpati sa ika-49 Philippine Business Conference and Expo sa Maynila, kung saan binigyan-diin niya na ang patuloy na pagbibigay ng Japan sa Pilipinas ng official development assistance (ODA) sa Pilipinas.

Gayunpaman, naniniwala siyang mayroon pang ikauunlad ang ugnayan ng dalawang bansa. “Japan and the Philippines have very strong, solid economic ties,” sabi ni Koshikawa.

“As we forge commitments in our priority industries, we want to assure you that Japan will continue to invest in big-ticket projects to help shape a thriving future for our fellow Filipinos and for our investors.

Nauna nang sinabi ni Kobayashi na top choice ng mga Japanese investors ang Pilipinas dahil sa paglaki ng ekonomiya nito.

Kaugnay nyan, hinimok niya ang pamahalaan na isulong agad ang pag-amyenda sa CREATE Act of 2021, na aniya ay isang turn off ng mga negosyanteng Hapon.

Matatandaan ring nangako na ang Japan International Cooperation Agency na patuloy nitong susuportahan ang Pilipinas sa mga infrastructure projects nito.