Arigato! Japan, nagbigay ng P1.5T para sa infrastructure projects ng gobyerno

Nag-invest ng halagang halos P1.5 trilyon ang Japan sa Pilipinas upang tulungan gobyerno sa mga transportation infrastructure programs nito gaya ng MRT-3 rehabilitation at LRT-2 East Extension.

Nag-invest ng halagang halos P1.5 trilyon ang Japan sa Pilipinas bilang tulong sa mga transportation infrastructure programs ng pamahalaan.

Ang nasabing pondo, na ibinigay ng Japan sa ilalim ng official development assistance (ODA) nito, ay makatutulong sa pagtutuloy ng mga transport development programs ng pamahalaan gaya ang MRT-3 rehabilitation, North-South Commuter Railway (NSCR) Project, LRT-2 East Extension, Metro Manila Subway Project (MMSP), at LRT-1 Cavite Extension.

“JICA’s assistance to the agency’s transport infrastructure programs will catalyze economic growth for the country through inclusive mobility and connectivity,” paliwanag ni Department of Transportation (DOtr) Secretary Jaime Bautista matapos makipagpulong ang ahensiya sa mga kinatawan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).

Personal ring pinasalamatan ni Bautista ang Japan dahil makatutulong aniya ang nasabing investment upang matiyak ang sustainable development ng transport sector ng bansa.