Ariel Querubin tatakbo muli sa Senado

Inanunsyo ni retired Philippine Marine Colonel at Medal of Valor awardee Ariel Querubin nitong Lunes, Hulyo 8 ang kanyang pagtakbo sa pagka-senador sa 2025.

Inanunsyo ni retired Philippine Marine Colonel at Medal of Valor awardee Ariel Querubin nitong Lunes, Hulyo 8 ang kanyang pagtakbo sa pagka-senador sa 2025.

Buo naman ang suporta kay Querubin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Philippine National Police (PNP).

“Ako si Ariel Querubin, sundalo, Pilipino. Sa tulong ninyo, maninilbihan tayo sa Senado,” anunsyo ni Querubin sa Club Filipino sa San Juan city.

Ibinida niya ang kanyang mga plataporma tulad ng agarang pagresolba sa korapsyon, kahirapan, at inflation, ngunit higit sa lahat ay ang paglutas sa sigalot sa West Philippine Sea (WPS).

“Sa pananaw ko, yung problema cannot be solved militarily. Hindi puwede na maresolba nang dahil nagpapakalat na giyera-giyera. Walang may gusto ng giyera. Wala pa ring gaganda na paraan kundi sa diplomasya. Marami ho ilang ginagawa ngayon para maayos ito,” aniya.

Sa kasalukuyan, wala pa ring kinabibilangang partido si Querubin ngunit bukas naman sa alok ng pakikipag-alyansa sa kanyang kampanya sa 2025.