Aray, naku! P1 dagdag pasahe aprubado na ng LTFRB

Simula Linggo, Oktubre 8, magiging P13 na ang minimum fare sa mga traditional jeepney samantalang P15 sa mga modern jeepneys.

Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P1 dagdag sa minimum fare sa mga pampasaherong jeepney bunsod na rin ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng krudo.

Paglilinaw naman ni LTFRB chairperson Teofilo Guadiz III, ang taas pasahe ay para lamang sa minimum fare.

“We only approved a provisional fare increase in the first four kilometers. There is no additional increase in the succeeding kilometers,” paglilinaw ni Guadiz sa pagdinig ukol sa price increase nitong Martes, Oktubre 3.

Simula Linggo, Oktubre 8, magiging P13 na ang minimum fare sa mga traditional jeepney samantalang P15 sa mga modern jeepneys.

Nilinaw naman ni Guadiz pinag-aaralan pa rin ng pamahalaanm ang mga petisyon ng mga transport groups na itaas sa P4 o P5 ang pamasahe.