Aray! Meralco, magtataas ng singil sa kuryente nitong Setyembre

Matapos bumaba ang singil nito sa kuryento noong nakaraang dalawang buwan, nakatakda tumaas naman ang rate ng Meralco para sa Setyembre dahil sa mas mataas na generation charge.

Inanunsiyo ng Meralco na magtataas ito ng singil sa kuryente nitong buwan ng Setyembre dahil umano sa mas mataas na generation charge.

Ang nasabing adjustment ay katumbas ng pagtaas ng humigit-kumulang P100 sa kabuuang singil sa kuryente ng mga residential customer na kumukonsumo ng 200 kilowatt per hour (kwh), P150 para sa mga kumokonsumo ng 300 kwh, P200 para sa 400 kwh, at P250 para sa 500 kwh.

Sinabi ng Meralco na ang kabuuang rate para sa isang tipikal na sambahayan ngayong Setyembre ay tumaas ng P0.5006 kada kwh, or P11.3997 kada kwh mula sa P10.8991 kada kwh noong Agosto.

“The main driver of the increase is the generation cost, which went up by 43 centavos per kwh. The weakening of the Philippine peso against the US dollar is also a contributory factor because a big portion of the power producers is dollar-denominated,” paliwanag ni Joe Zaldarriaga, vice president at head of corporate communications ng Meralco.

Ang nakaambang pagtaas ng singil ay kasunod naman ng dalawang sunod na buwan ng pagbaba ng rate Meralco para sa higit sa 7.7 milyong customer nito.