Arangkada na! Romualdez, ikinalugod ang positive outlook ng IMF sa Pilipinas

Positibo ang economic projections ng International Monetary Fund sa Pilipinas, at ikinalugod ito ni House Speaker Martin Romualdez dahil patunay umano ito na maganda ang mga economic policies ng gobyerno.

Ikinalugod ni House Speaker Martin Romualdez ang pinakabagong projections ng International Monetary Fund (IMF) dahil ito anya ay patunay sa magandang mga economic policies ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon sa IMF, mas magiging mabilis ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa ikalawang bahagi ng taon at maging sa 2024 na rin.

“This forecast is not only encouraging but also a testament to the resilience and hard work of our nation’s people, as well as the sound economic policies and reforms implemented by the administration of President Ferdinand R. Marcos, Jr.,” ani Romualdez sa isang opisyal na pahayag.

Matatandaang lumago ng 4.3 porsiyento ang gross domestic product (GDP) ng bansa sa second quarter ng 2023, na siya namang nagpalago sa real GDP ng 5.3 porsiyento sa unang bahagi ng taon.

“This positive outlook from the IMF should serve as motivation for us all to redouble our efforts in revitalizing our economy. It is a reminder that our nation has the potential to rebound and emerge stronger from any adversity,” dagdag ni Romualdez.

Kumpiyansa rin ang mga economic managers ng pamahalaan na maaatim nito ang target growth rate na 6–7% para sa 2023.