Arangkada na! Maharlika Board, nagpulong sa kauna-unahang pagkakataon

Pinangunahan ni MIC President at CEO Rafael D. Consing, Jr. ang naturang pulong, na ibinalita ng Department of Finance (DOF) sa Facebook page nito. Nagsilbing Chairperson ex officio naman si Finance Secretary Benjamin E. Diokno.

Nagpulong na sa kauna-unahang pagkakataon ang board ng Maharlika Investment Corp. (MIC) nitong Miyerkules, Enero 3.

Pinangunahan ni MIC President at CEO Rafael D. Consing, Jr. ang naturang pulong, na ibinalita ng Department of Finance (DOF) sa Facebook page nito. Nagsilbing Chairperson ex officio naman si Finance Secretary Benjamin E. Diokno.

Kabilang sa mga lumahok sa pulong sina Lynette V. Ortiz, PCEO ng Land Bank of the Philippines (LANDBANK) at Michael O. de Jesus, PCEO ng Development Bank of the Philippines (DBP). Kasama rin sina Vicky Castillo Tan, Andrew Jerome Gan, German Lichauco II, at Roman Felipe Reyes.

BASAHIN RIN: Trabaho agad si Consing: PBBM, pinangunahan ang panunumpa ng MIC CEO

Ilan sa mga tinalakay sa naturang pulong ay ang fund capitalization ng Maharlika Investment fund, pati na rin ang pagtukoy sa mga larangang kung saan maaaring mamuhunan ang MIC.

Tinalakay rin sa pulong ang mga administrative matters sa MIC at ang pagbuo ng iba’t ibang kumite.