Aprub, ser! Romualdez: Hikayatin pa ang mga magsasaka na magtanim ng palay

Suportado ni House Speaker Martin Romualdez ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na itaas ang farm gate price ng dry palay upang mas mapataas ang kita ng mga magsasaka.

Pinapurihan ni House Speaker Martin Romualdez ang desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na itaas ang farm gate o buying price ng palay sa kabila nang pagtaas ng presyo ng bigas.

Ayon kay Romualdez, ang hakbang na ito ay patunay lamang na mayroong malasakit ang pangulo sa mga magsasaka.

“This shows the malasakit our president has towards our farmers who have been working very hard for us to achieve food security. We should always take care of them,” paliwanag ni Romualdez sa isang pahayag.

Matatandaang itinaas ng National Food Authority (NFA) Council ang farm gate price ng dry palay sa P19–P23 kada kilo at P16–P19 kada kilo naman para sa wet palay. Paliwanag ni Romualdez, mabibigyan ng mas malaking oportunidad ang mga magsasaka na kumita mula sa kanilang ani dahil sa hakbang na ito.

“Our farmers have been the ones giving us food on our tables. So, let’s give them the respect that they truly deserve. That is why our President still sits as Agriculture Secretary in a concurrent capacity,” diin pa ni Romualdez.