April Fools sa Oktubre? Website ng Kamara, nadale rin ng hacking

Tila paborito ng mga hackers ngayon ang mga website at online systems ng gobyerno matapos babuyin ang website ng Kamara, ang ikaapat na ahensya ng gobyerno na nabiktima.

Ang website ng House of Representatives naman ang na-hack.

Nitong Linggo, Oktubre 15, napasok ng mga hackers, na nagpakilalang “3MUSKETEERZ,” ang website ng Kamara at nilagyan ng troll face meme.

Nakasulat naman sa taas nito ang mga salitang “You’ve been hacked” at “Have a nice day,” samantalang sa baba nito ay may nakasulat ng Happy April Fullz Kahit October palang! Fix your Website.”

Ang nasabing hack ay tinatawag na web defacement, kung saan iniiba ng hacker ang hitsura ng website o kaya naman nilalagyan ng mga hindi kanais-nais na litrato, teksto, at kung ano pa.

Ito na ang pang-apat na web site ng pamahalaan ang na-hack matapos tamaan ng Medusa ransomware ang Philippine Health Insurance Corp. at mabiktima naman ng data breach ang Philippine Statistics Authority at Department of Science and Technology.

hacked