April fools pa more! Takoyaki restaurant sinuka sa tattoo prank

Inulan ng batikos ang isang takoyaki restaurant matapos seryosohin ng isang lalaki ang kanilang tattoo prank nitong Lunes, o April Fools' Day.

Inulan ng batikos ang isang takoyaki restaurant matapos seryosohin ng isang lalaki ang kanilang tattoo prank nitong Lunes, o April Fools’ Day.

Pinost ng takoyaki restaurant na ‘Taragis’ ang kanilang kakaibang April Fools’ na promo kung saan bibigyan umano nila ng P100,000 ang sinumang magpapa-tattoo ng kanilang logo sa noo.

Ang problema, isang lalaking nagngangalang Ramil Albano ang sumeryoso sa prank at nagpa-tattoo ng logo ng Taragis sa kanyang noo.

Ang malala pa rito, sa isa pa nilang post ay tila sinisi pa ng Taragis si Albano dahil hindi nito alam ang ibig sabihin ng April Fools’.

“Let this serve as a reminder to us all how important reading comprehension is. It’s April Fool’s Day. Never trust anything or anyone. The same as any other day,” saad ng Taragis.

“Once more, Taragis Takoyaki is not accountable for the events that occured,” dagdag pa nito.

Nagngingit sa galit ang mga netizen at hiniling sa Taragis na bayaran ng P100,000 si Albano.

Samantala, binura na ng Taragis sa kanilang Facebook account ang kanilang mga post na may kaugnayan sa palpak na prank.