Approval rating ni VP Sara, lagapak; PBBM, Romualdez matikas pa din!

Lumagapak ang approval rating ni Vice President Sara Duterte.

Lumagapak ang approval rating ni Vice President Sara Duterte.

Ayon sa nationwide survey ng Publicus Asia, napanatili naman ang approval rating ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon sa survey, mula sa 53% noong quarter, nasa 46% na lamang ang nakuha ng rating ni Duterte sa second quarter.

Bunagsak din ng limang puntos ang trust rating ni Duterte mula sa 46% ay naging 41%.na lamang ito.

Partikular na bumaba ang approval ratings ni Duterte sa Northern Central Luzon mula sa 47% at naging 38% na lamang.

Maging ang Mindanao na balwarte ni Duterte ay bumaba rin ang approval rating mula sa 75% at naging 68% na lamang pati na ang kanyang trust rating mula sa 67% at naging 65% na lamang.

Isinagawa ang non-commissioned Pahayag survey mula Hunyo 15 hanggang 19.

Ayon sa survey, nakaapekto kay Duterte ang mga banat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte pati na ang pagbibitiw bilang kalihim ng Department of Education.

Ayon sa survey, anim sa bawat 10 Filipinos ang naniniwala na hindi dapat n a nagbitiw si Duterte bilang kalihim ng DepEd.

Samantala, napanatili naman ni Pangulong Marcos ang kanyang approval rating sa 44% at trust rating sa 33%.

Bumaba naman ang ng 11% ang approval rating ni Senate President Francis Escudero.

Nagkaroon naman ng “minor, non-significant” improvement sa approval rating si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.