‘Appointed Son’ nag-appoint! KOJC Properties, ipinamana kay Digong

Itinalaga si dating pangulong Rodrigo Duterte bilang administrator ng mga ari-arian ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), ang sekta na pinamumunuan ni Pastor Apollo Quiboloy.

Itinalaga si dating pangulong Rodrigo Duterte bilang administrator ng mga ari-arian ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), ang sekta na pinamumunuan ni Pastor Apollo Quiboloy.

“Former President Rodrigo Roa Duterte is appointed as new administrator for Kingdom of Jesus Christ (KOJC) properties,” saad sa social media post ng Sonshine Media Network Inc. o SMNI.

Hindi pa idinedetalye ang saklaw ng bagong posisyon ni Duterte sa KOJC.

Kilalang magkaibigan sina Duterte at Quiboloy. Ang pastor ay kasalukuyang pinaghahanap dahil sa patong-patong na reklamo.

Wanted si Quiboloy sa Amerika, habang pinapatawag pa ito ng Kamara at ng Senado.