Apat na batang PWD sa Masbate, nakatanggap ng libreng wheelchair mula sa Ako Bicol Party List at Children International Philippines Inc.

Ayon sa partido, ito na ang kanilang huling wheelchairs distribution ngayong taon kung saan higit 100 ang kanilang natulungan sa buong rehiyon. Ang wheelchair distribution ay bahagi sa Tabang sa Karahayan Program ng partido na naging posible dahil sa pakikiisa ng Children International Philippines Inc.

MASBATE – Personal na hinatid ng Ako Bicol Partylist sa apat (4) na piling Person With Disabilities (PWD) sa Claveria at San Pascual ang regalong nilang wheelchairs para sa mga ito.

Nitong Huwebes, Disyembre 14, 2023, unang pinuntahan ng partido ang bayan ng Claveria.

Unang naregaluhan ng Wheelchair ang 10-taong gulang na si Rochelle Mahinay ng Barangay San Isidro. Pang-apat sa limang magkakapatid si Rochell. Dahil sa kanyang sakit na Celebral Palsy hindi na ito nakakalakad ng maayos maging ang pagsasalita nito ang naapektuhan na rin.

Ayon sa nanay Girlie, isang beses pa lamang nilang mag-asawa napa-check-up-an si Rochelle dahil kapos sila sa budget kaya naman imposibleng makabili sila ng wheelchair.

Sunod namang pinuntahan ng partido ang 12 taong gulang na si Rafael Joshua Bujawe ng Barangay San Ramon . Dahil sa sakit nitong Polio, hindi na ito nakakalakad ng maayos. Maliban kay Rafael hindi rin nakakalakad at nakakagalaw ang bunsong kapatid nito na nag-iisang inaalagan ng kanilang 68-taong gulang na si Lola Naida.

Nitong Biyernes, Disyembre 15, 2023, nang pumunta naman ang partido sa islang bayan ng San Pascual.

Hindi naman mapigilang mapaluha ni Nanay Analyn Diosano ng Barangay Dancalan nang mapiling benepisyaryo ng libreng wheelchair ang kanyang 10-taong gulang na anak na si Raymond. Matagal na rin kasi nilang pinapangarap na magkaroon nito.

Malaking bagay ang wheelchair sa pag-aaral ni Raymond na pansamantalang huminto sa pag-aaral dahil sa sakit na Muscular Distrophy o ang paghina ng mga buto ng isang tao.

Labis naman ang pasasalamat ng 37-taong gulang na si nanay Lanie Bantique ng Barangay Laurente na isa rin ang kanyang 17-taong gulang (17) na anak na si Roland na mabigyan ng wheelchair ng partido.

Ayon sa partido, ito na ang kanilang huling wheelchairs distribution ngayong taon kung saan higit 100 ang kanilang natulungan sa buong rehiyon.

Ang Wheelchairs distribution ay bahagi sa Tabang sa Karahayan Program ng partido na naging posible dahil sa pakikiisa ng Children International Philippines Incorporated.