Apat dapat! PH, US, Canada, Japan nagkakasa joint patrol sa WPS

Sumali na ang Canada sa ikinasang multilateral maritime cooperative activity (MMCA) o joint patrol exercises ng Pilipinas, US, at Japan sa West Philippine Sea.

Sumali na ang Canada sa ikinasang multilateral maritime cooperative activity (MMCA) o joint patrol exercises ng Pilipinas, US, at Japan sa West Philippine Sea.

Ito ay sa kabila ng lumalalang tensyon ng agawan ng teritoryo ng China at karatig bansa sa katubigan ng South China Sea.

Matatandaan na muling hinarass ng China ang resupply mission ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal at sinabing ilegal na pumasok ang barko ng Pinas sa katubigan ng China na siya namang sinalag ng sandatahang lakas ng bansa dahil sakop ng Philippine Exclusive Economic Zone (EEZ) ang nasabing isla.

Ayon sa US Indo-Pacific Command (Indopacom), kasama ng Royal Canadian Navy sa joint patrol ang mga barko ng Philippine Navy, Maritime Self-Defense ng Japan at ang US Navy.

“Cooperation like this represents the centerpiece of our approach to a secure and prosperous region where aircraft and ships of all nations may fly, sail, and operate anywhere international law allows,” saad nito.