Anyare? Julia Barretto naospital

Ibinahagi ni Julia Barretto sa kanyang social media account na siya ay kalalabas lang ng ospital.

Ibinahagi ni Julia Barretto sa kanyang social media account na siya ay kalalabas lang ng ospital.

Sa Instagram post, ibinahagi ni Julia ang larawan kung saan nakasuot siya ng hospital gown.

Bukod pa riyan ay mapapansin din ang nasal tube na suot ng aktres.

“Discharged and finally home. Thanks so much to my doctors, nurses and the entire medical staff for taking such good care of me the past couple of days. Thank you for the long hours of hard work,” caption ng dalaga.

Aniya, dahil sa pagkaka-ospital ay mas lalo pa niyang iingatan ang kanyang kalusugan.

“A tough time but taking this one as a reminder that our health should always be top priority. Sending good energy!” dagdag pa nito.

Samantala, hindi naman nilinaw ni Julia ang dahilan ng kanyang pagkaka-ospital.

TINGNAN: