Anthrax infection maliit tsansa na kumalat – DOH

Naniniwala ang Department of Health (DOH) na maliit ang tsansa na kumalat ang anthrax infection sa publiko.

Naniniwala ang Department of Health (DOH) na maliit ang tsansa na kumalat ang anthrax infection sa publiko.

Ayon sa DOH, ang naturang disease ay madalas na mga hayop ang pinupuntirya.

”It is caused by a bacterium called Bacillus anthracis, which produces spores. Animals, like livestock, are the ones most affected. The risk of the general public getting infected by anthrax is very low,” saad ng ahensya.

Saad pa, ang mga pwedeng maituring na may ‘higher risk’ sa anthrax infection ay mga veterinarian, magsasaka at iba pang trabaho na may kinalaman sa pag-aalaga ng mga hayop.

Ang bakuna para sa anthrax ay hindi rin umano ginagamit para sa general population.

Saad pa ng DOH, kayang maiwasan ng publiko ang anthrax basta’t huwag lang kumain ng hindi pa lutong karne.

“The public can avoid getting anthrax by avoiding raw or undercooked meat or meat products. Avoid contact with livestock or animal remains,” ayon pa sa DOH.

Ilang bansa na ang nagkakaroon ng anthrax outbreak katulad sa Laos na may abot sa lampas 50 na suspected cases.

Sa Pilipinas naman, wala pang naiuulat na anthrax case ngayong 2024.