Año sa Kongreso: Suportahan pagratsada ng AFP modernization

Hinikayat ni National Security Adviser Eduardo Año ang Senado ang Kamara na isulong ang mga batas na susuporta sa pagpapabilis ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Hinikayat ni National Security Adviser Eduardo Año ang Senado ang Kamara na isulong ang mga batas na susuporta sa pagpapabilis ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ayon kay Año, ang modernisasyon ang susi upang mapalakas ang pagdepensa ang AFP sa West Philippine Sea (WPS).

“We hope that Congress will continue to allocate the necessary funds to implement Horizon III of the Armed Forces modernization program which is critical in the implementation of the Comprehensive Archipelagic Defense Concept recently approved by the President,” saad ni Año.

“Filipinos are a people of peace but at the same time, we know how to stand up for what is right, and for what is ours,” dagdag pa niya.

Kamakailan lamang ay lumabas sa isang survey ng OCTA research na 68% ng mga Pilipino ang suportado ang modernisasyon ng AFP.

“Heeding our people’s call, the Marcos… administration is determined to progressively build our defense capabilities to effectively deter any and every threat to our nation’s peace and security,” wika pa Año.