Año itinangging may ‘gentleman’s deal’ si Duterte sa China

Pinasinungalingan ni National Security Adviser Eduardo Año ang pahayag ni Atty. Harry Roque na nagkaroon ng kasunduan si ex-president Rodrigo Duterte at ang China hinggil sa mga aktibidad sa Ayungin Shoal.

Pinasinungalingan ni National Security Adviser Eduardo Año ang pahayag ni Atty. Harry Roque na nagkaroon ng kasunduan si ex-president Rodrigo Duterte at ang China hinggil sa mga aktibidad sa Ayungin Shoal.

Sa isang panayam, sinabi ni Año na walang makapagbigay ng alinmang ebidensya na may ‘gentleman’s agreement’ sa pagitan ni Duterte at ng China.

“The Chinese have always talked about the gentleman’s agreement pero they cannot show anything na mayroon talaga, even a document, or even identify somebody who said that we particularly entered into that gentleman’s agreement,” saad ni Año.

Si Año ay nagsilbing chief-of-staff ng Armed Forces of the Philippines at Secretary ng Department of the Interior and Local Government sa ilalim ng Duterte administration.

Samantala, ilang linggo ang nakalipas ay isiniwalat ni Roque na ang kasunduan ni Duterte at ng China ay walang magtatayo o magaayos ng istruktura sa West Philippine Sea. Sinabi pa ni Roque na ang pagdadala ng Pilipinas ng construction materials sa BRP Sierra Madre ang sanhi ng pambobomba ng China ng water cannon.

Sa ngayon, ang pinagtutuunan umano ng pansin ng Marcos administration ay ang pagtatanggol sa teritoryo ng bansa.

“For the meantime, we will fight for our rights, we will make sure that we are protecting our territorial integrity and ensuring our sovereign rights within our EEZ (exclusive economic zone),” dagdag pa ni Año.