Año gustong sipain sa ‘Pinas mga Chinese diplomat

Nanagawan si National Security Adviser Eduardo Año na paalisin na sa Pilipinas ang mga Chinese diplomat.

Nanagawan si National Security Adviser Eduardo Año na paalisin na sa Pilipinas ang mga Chinese diplomat.

Ang panawagan ni Año ay kaugnay ng pagkalat ng pag-uusap ng isang mataas na opisyal ng militar at isang Chinese diplomat tungkol sa ‘new model’ na paglutas ng sigalot sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Año, ang Chinese Embassy sa Maynila ay patuloy lang sa pagkakalat ng mga maling impormasyon laban sa Pilipinas.

“Bypassing official and long established channels and protocols, talking to officials without the requisite authorities or bona fides, then maliciously claiming that alleged discussions should bind the PH government is farcical, foolish and reckless,” saad ni Año.

“Those individuals in the Chinese Embassy responsible for violating Philippine laws and the Vienna Convention on Diplomatic Relations and those responsible for these malign influence and interference operations must be removed from the country immediately,” dagdag pa niya.

Ang pinakalat ng Chinese embassy nitong linggo ay transcript ng pag-uusap ng isa nilang diplomat at ni AFP Western Command chief Vice Admiral Alberto Carlos.

Pinakita ng China sa transcript na pumayag raw si Carlos sa tinatawag nilang ‘new model’, kung saan dapat niyang timbrehan ang China kung kailan magkakaroon ng resupply mission sa Ayungin Shoal.

Kasama rin daw sa new model ang pagpapadala ng AFP ng mas kakaunting sasakyang pandagat sa mga resupply mission.