Ano, G na? PM Trudeau, nag-anyaya kay PBBM na magpunta sa Canada para gunitain ang ika-75 na anibersaryo ng diplomatic relations

Inimbitahan ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bumisita sa Canada para gunitain ang ika-75 na taon ng diplomatic relations ng dalawang bansa.

Nakipagpulong nitong Miyerkules, Setyembre 6, si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Justin Trudeau, Prime Minister ng Canada, bilang bahagi ng kanyang pagdalo sa ika-43 Association of Southeast Asian Nations Summit sa Jakarta, Indonesia.

Sa naturang pagpupulong ay inanyayahan ni Trudeau si Marcos na bumisita sa Canada upang gunitain ang 75-taong diplomatic relations ng dalawang bansa, ayon sa pahayag ng Malacañang noong Miyerkules.

“Next year, we are celebrating 75 years of diplomatic relations. It will be celebrated. But the reality is the trade ties, economic ties between our countries continue to grow, the opportunities for investment, and the flow of people back and forth as well. The Filipino-Canadian diaspora is incredibly important to all of us,” sambit diumano ni Trudeau kay Marcos nang ipabatid niya ang nasabing imbitasyon.

Ang nasabing pagpupulong ay ikatlong beses na nagkausap ng personal ang dalawang head of state.

Hindi pa kinukumpirma ng Malacañang kung dadalo ng aba si Pangulong Marcos sa naturang pagdiriwang.