Ano ba talaga, Kume? Pagbati ng ‘Merry Christmas’ sa mga pasahero sa NAIA ng mga kawani ng BI, bawal na

Huwag na rin daw asahan ng publiko na magiging “overly friendly” ang mga immigration officers dahil naatasan silang gawin ang kanilang tungkulin ang magpakita ng “level of formality” sa lahat ng oras.

Ipinagbabawal sa mga empleyado ng Bureau of Immigration (BI) na batiin ng “Merry Christmas” ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ito ay matagal ng polisiya ng ahensiya dahil maaaring magbigay ito ng impresyon na humihingi ng tip o anumang regalo ang mga bumati.

Gayunpaman, aminado si Tansingco na “saying greetings is part of the Christmas tradition and Filipino culture.”

“There may be employees who probably just want to greet people with ‘Merry Christmas’ or ‘Happy Holidays’ without any other intention, and we cannot just impose sanction[s] against them for that,” aniya.

Kaya naman inaasahan ni Tansingco na titimbangin ng mga empleyado ang bawat sitwasyon.

“If a passenger greets them first, of course, why would you ignore them? They say Filipinos are respectable, so there is nothing wrong in greeting them back, ‘Merry Christmas, welcome to the Philippines,’” paliwanag niya.

“It depends also on how they say ‘Merry Christmas.’ If the greeting has a different meaning to it, or if the intention of the greeting is to solicit for something, that’s a no-no. Walang patawad ’yon,” dagdag ni Tansingco.

Huwag na rin daw asahan ng publiko na magiging “overly friendly” ang mga immigration officers dahil naatasan silang gawin ang kanilang tungkulin ang magpakita ng “level of formality” sa lahat ng oras.