Annabelle Rama taob kay Barbie, papalag kay Chucky?

Usap usapan ng mga netizens ngayon ang post ni Annabelle Rama sa kanyang Facebook na hindi raw lalaban si “Annabelle Doll” kay “Barbie Doll” at ang bet nitong makalaban ay si “Chucky”.

Usap usapan ng mga netizens ngayon ang post ni Annabelle Rama sa kanyang Facebook na hindi raw lalaban si “Annabelle Doll” kay “Barbie Doll” at ang bet nitong makalaban ay si “Chucky”.

Hinuha ng mga tao na ang sinasabi ni Annabelle sa kanyang post na barbie doll ay si Barbie Imperial, na kasalukuyang nali-link sa kanyang anak na si Richard Gutierrez.

Saad niya sa kanyang post: “Hoy!! Yung walang magawa sa buhay tumahimik na kayo.”

“Kasi si Annabelle Doll hindi lalaban kay Barbie Doll maganda, maputi at makinis. Ang gusto makalaban ni Annabelle Doll si Chucky. Alam nyo na kung sino yun HAHAHA happy kana!?” dagdag niya.

Matatandaang nagkairingan ang dating asawa ni Richard na si Sarah Lahbati at si Annabelle.

Nitong March kasi, kinumpirma ni Lahbati ang paghihiwalay nila ni Richard na sinabi ng mga netizens na umano’y dahil daw sa biyenan nito na si Annabelle.

Si Sarah nga ba ang tinutukoy na Chucky sa post ni Annabelle? Mas lalong naging curious tuloy ang mga netizens kung sinong Chucky ang tinutukoy ni Annabelle.