Anim na sundalo patay sa engkwentro sa Lanao del Norte

Anim na sundalo ang nagbuwis ng kanilang buhay sa bakbakan kontra Dawlah Islamiyah-Maute Group sa Munai, Lanao del Norte nitong Linggo.

Anim na sundalo ang nagbuwis ng kanilang buhay sa bakbakan kontra Dawlah Islamiyah-Maute Group sa Munai, Lanao del Norte nitong Linggo.

Ayon sa pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP), bukod sa anim na nasawi ay apat pa ang sugatan sa hanay ng militar.

“I extend my sincerest condolences to the families of our slain soldiers and offer the AFP’s support in this very trying time. I will also make sure that our wounded soldiers receive the best treatment possible for their injuries,” pahayag ni AFP chief of staff Gen. Romeo S. Brawner Jr.

Dalawa naman ang napatay sa panig ng mga terorista. Ang Dawlah Islamiyah-Maute Group ang itinuturong salarin sa pagpapasabog sa gymnasium ng Mindanao State University (MSU) noong Disyembre 3, 2023.

Ikinasa ng AFP ang pursuit operation sa iba pang mga miyembro ng teroristang grupo. Sa kasalukuyan ay 18 miyembro ng Dawlah Islamiya-Maute ang napatay ng militar, kabilang ang alyas “Engineer” na siyang utak sa pagpapasabog sa MSU.