Angeline Quinto dinepensa mister: 2 lang anak niya sa una!

Pumalag si Angeline Quinto sa isang netizen na sinabing apat umano ang panganay ng kanyang mister na si Nonrev Daquina.

Pumalag si Angeline Quinto sa isang netizen na sinabing apat umano ang panganay ng kanyang mister na si Nonrev Daquina.

Isang netizen ang pumitik kay Angeline na baka magaya raw si Angeline kay Pokwang, na nakipaghiwalay sa kanyang mister na si Lee O’Brian.

“Hindi masisi public figure si Angge tas ‘yung guy may history na 4 na panganay,” giit ng netizen.

“Baka mamaya in the end mag-rant din siya kagaya kay [Pokwang],” hirit pa ng follower ni Angge.

Dito na nagsalita ang sikat na singer, klinaro kung ilan ba talaga ang anak ni Nonrev bago sila maging magkarelasyon.

“I’m sorry, dalawa lang ang naging unang anak niya sa una,” saad ni Angeline.

Ikinasal sina Angeline at Nonrev sa Quiapo Church noong April 26. Nito lang Mayo ay binunyag din ng singer na buntis siya sa ikalawang anak nila ng kanyang mister.