Angeli Khang itinangging sangkot sa hiwalayang Bea-Dominic

Pinasinungalingan ni Viva Max actress Angeli Khang na siya ang dahilan sa hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque.

Pinasinungalingan ni Viva Max actress Angeli Khang na siya ang dahilan sa hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque.

“Fake news po, fake news siya,” saad ni Angeli sa panayam ng ‘Updated With Nelson Canlas.’

Paliwanag ng aktres, hindi sila personal na magkakilala ni Dominic.

“Tingin sa akin ng mga tao ‘pag lumalabas ako na taray na taray talaga sa akin, parang ako talaga yung reason ng breakup nila. Gusto kong mag-explain sa kanila, wait hindi po, hindi po kami magkakilala,” aniya.

Ikinalungkot din ni Angeli ang reaksyon ng ilang fans nang makaladkad ang pangalan niya sa hiwalayan nina Bea at Dominic.

“Every time po na lumalabas ako, nakikita ko ‘yung mga tingin sa ‘kin ng mga tao na parang hate na hate nila ako. Kaya nung time na ‘yun hindi muna ako lumabas ng one week. Hindi muna ako nagpakita sa lahat,” dagdag pa ni Angeli.

Dalawang buwan na ang nakararaan mula nang ianunsyo nina Bea at Dominic ang kanilang hiwalayan.