Angel Locsin, Neil Arce ‘di naghiwalay – Dimples

Pinabulaanan ni Dimples Romana ang ilang kumakalat na tsismis na hiwalay na ang kanyang matalik na kaibigan na si Angel Locsin sa asawa nitong si Neil Arce.

Pinabulaanan ni Dimples Romana ang ilang kumakalat na tsismis na hiwalay na ang kanyang matalik na kaibigan na si Angel Locsin sa asawa nitong si Neil Arce.

“I get to see her naman, she’s very, very happy and happily married, and Neil is taking very good care of her,” saad ni Dimples sa isang panayam.

Ayon kay Dimples, hindi sapat na basehan ang pagpo-post sa social media para masabi ang estado ng relasyon nila Angel.

“The thing is, people are so involved with social media that we think if we don’t see married people posting online together, parang hiwalay na sila! No po! Hindi ibig sabihin wala sa social media, doesn’t mean it’s not happening,” aniya.

Sina Angel at Neil ay ikinasal noong 2021. Isa rin si Dimples sa mga saksi sa kanilang pagiisang-dibdib.