Angat lahat! 2024 budget, Halos P500-B sa 2024 national budget, inilaan para sa maralitang Pilipino—Romualdez

Walang maiiwan sa Bagong Pilipinas! Kaya naman naglaan ang pamahalaan ng halos P500 bilyon sa national budget nito para matulungan ang mga maralitang Pilipino na mapaganda ang antas ng kanilang pamumuhay.

Sa kauna-unahang pagkakataon, may alokasyon sa national budget para sa social amelioration program, o mga proyekto ng pamahalaan na naglalayong tulungan ang mga maralitang Pilipino.

“For the first time, under the administration of President Ferdinand Marcos Jr., we are allocating half-a-trillion pesos, or about 9 percent of the national budget, as assistance to the poor and households with insufficient income,” saad ni House Speaker Martin Romualdez sa isang pahayag.

BASAHIN RIN: Abot ang lahat sa bawat sulok ng Pilipinas! Sapat pondo para sa mga LGU, garantisado sa 2024 national budget–Romualdez

Ayon rin kay Romualdez, tinatayang 48 milyong pamilyang Pilipino ang makikinabang sa social amelioration program ng gobyerno.

“We are hoping that in some way, we are able to support people who badly need government help to get them through hard times,” aniya.

Dagdag ng Speaker, isinulong ng House of Representatives na isama sa panukalang 2024 General Appropriations Bill (GAB) ang pondo para sa Ayuda sa Kapos ang Kita (AKAP), kung saan makatatanggap ang mga benepisaryo ng one-time cash assistance na P5,000.

BASAHIN RIN: Pirmado na ang GAB bago mag-Pasko: PBBM, tiniyak na pipirmahan agad ang P5.768-trilyong national budget

“It’s a PHP60 billion fund, whose aim is to provide direct cash assistance to the ‘near poor’ or families earning up to P23,000 a month. At least 12 million households will benefit from it,” paliwanag ni Romualdez.

Iyan ay bukod pa sa mga programang gaya ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development at Tulong Pang-hanapbuhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers (TUPAD) sa ilalim naman ng Department of Labor and Employment.