Angara siniguro pondo para sa ‘chalk allowance’ ng mga guro

Bibigyang prayoridad ni Senador Sonny Angara ang teaching supplies allowance para sa mga guro sa pampublikong paaralan.

Bibigyang prayoridad ni Senador Sonny Angara ang teaching supplies allowance para sa mga guro sa pampublikong paaralan.

Ayon kay Angara, ang pondo na ito ay sa ilalim ng General Appropriations Act.

Ang taunang badyet ay nakalaan para sa mga guro upang makabili ng mga kagamitan at materyales na kanilang magagamit sa pagtuturo.

Sinabi ng Senador na mula 2021 hanggang sa kasalukuyan, ang pondo ay umabot na sa P4 bilyon.

Ang bilang naman ng mga public school teachers ay ay nasa 965,082 para sa taong 2024.

“Mahalaga na matugunan natin ang pangangailangan ng ating mga guro sa pagturo ng mga kabataan. Hindi na dapat nangyayari na nag-aabono pa ang mga guro para bumili ng supplies dahil sa kulang ang allowance na galing sa pamahalaan,” wika ni Angara.