Angara open maging Deped Secretary

Bukas si Senador Sonny Angara na maging susunod na kalihim ng Department of Education.

Bukas si Senador Sonny Angara na maging susunod na kalihim ng Department of Education.

Ayon kay Angara, ito ay kung iaalok sa kanya ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang posisyon kapalit ng nagbitiw na si Vice President Sara Duterte.

“Open naman ho tayo kung sakaling pinagkatiwalaan,” pahayag ni Angara.

Ayon kay Angara, mahirap naman na tanggihan kung iaalok sa kanya ang posisyon.

Sa ngayon, sinabi ni Angara na wala pang pormal na imbitasyon na maging kalihim ng DepEd.

“Definitely the next Education secretary kailangan ‘yung mga reporma sa edukasyon tulad ‘nung mga kalidad ng edukasyon, ‘yun imprtante, tapos ‘yung mga tinatawag na resource gaps o ‘yung pagkukulang sa mga classrooms, mga silid-aralan, mga textbooks. Maraming kailangan bigyan ng lunas talaga,” pahayag ni Angara.

Una nang sinabi ni Pangulong Marcos na nahihirapan siyang pumili ng susunod na kalihim ng DepEd.