Angara okay maging DepEd Sec kahit ‘di guro – teachers’ group

Aprub sa Teacher's Dignity Coalition (TDC) na maging kalihim ng Department of Education si Senator Sonny Angara kahit pa man 'di ito isang guro.

Aprub sa Teacher’s Dignity Coalition (TDC) na maging kalihim ng Department of Education si Senator Sonny Angara kahit pa man ‘di ito isang guro.

Ayon sa panayam kay TDC National Chairperson Benjo Basas sa Bardagulan sa Radyo sa Abante Radyo, “welcome” sa kanila si Angara bilang Education Secretary kahit mas nais nilang guro ang maupo bilang kalihim ng ahensya.

May sampung hiling din ang grupo kay Angara na mabigyang prayoridad sa kanyang panunungkulan sa pwesto.

Numero uno rito ang matagal nang inaasam ng mga guro na dagdag sahod at maayos na overtime pay.

Hiling din ng grupo na maibalik ang Philippine history subject at amyenduhan ang K-12 curriculum ng DepEd.

Dagdag pa ni Basas, sana ay mabigyan ng libre at de-kalidad na mga trainings ang mga guro, mapunan ang mga kakulangan tulad ng classroom, sanitation facilities, mga guro, non-teaching personnel at iba pa.