Angara kay PBBM: Salamat sa tiwala

Labis ang pasasalamat ni Senador Sonny Angara kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pagtitiwala nito sa kanya bilang bagong Kalihim ng Department of Education (DepEd).

Labis ang pasasalamat ni Senador Sonny Angara kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pagtitiwala nito sa kanya bilang bagong Kalihim ng Department of Education (DepEd).

Aniya, malugod niyang tinatanggap na may pagpapakumbaba ang posisyon na ipangkatiwala sa kanya.

“I am deeply honored and grateful to President Ferdinand R. Marcos Jr. for the trust he has placed in me by appointing me as the Secretary of the Department of Education. This significant responsibility is one l accept with humility and a profound sense of duty,” pahayag ni Angara.

Bilang bagong kalihim, layon ni Angara na makipagtulungan sa lahat ng sektor ng lipunan.

Kabilang na umabo dito ang kanyang pinalitan na si Vice President Sara Duterte.

“I am committed to working with all sectors of society, including my predecessor, Vice President Sara Duterte, to ensure that every Filipino child has access to quality education. I look forward to building upon her accomplishments,” dagdag pa nito.

Bukod pa riyan, sabik na rin umano ang Senador na makipagtulungan kay Pangulong Marcos at sa buong administrasyon upang matiyak na ang bawat Pilipino ay may access sa de-kalidad na edukasyon.

“I am eager to collaborate with President Marcos and the entire administration in serving our students, supporting our teachers, and enhancing the overall quality of education in our country. Thank you once again to President Marcos for this opportunity. Together, with the dedication of all stakeholders, we will strive to create a brighter future for our nation through education,” sabi ng Senador.

Napili si Angara bilang bagong kalihim dahil sa kanyang malawak na kasaysayan sa lehislatura.

Kabilang sa kanyang mga isinulong ay ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act at Enhanced Basic Education Act of 2013 (K-12).