Angara ‘di pa makakaupo; VP Sara DepEd Secretary hanggang July 19

Wala pang itinatakdang petsa ang Palasyo ng Malakanyang para sa panunumpa ni bagong Education Secretary Sonny Angara.

Wala pang itinatakdang petsa ang Palasyo ng Malakanyang para sa panunumpa ni bagong Education Secretary Sonny Angara.

Paliwanag ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Garafil, mananatili pa kasi sa puwesto si Vice President Sara Duterte hanggang sa Hulyo 19.

“VP is still Secretary of DepEd until July 19,” pahayag ni Garafil.

Sabi ni Garafil, mas makabubuting hintayin na lamang ang schedule ng panunumpa ni Angara.

Una nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos si Angara bilang bagong kalihim ng DepEd kapalit ni Duterte.