Angara ‘di makapaniwala sa paglipat ng ‘It’s Showtime’ sa GMA

Napa-react si Senador Sonny Angara sa umano'y paglipat ng noontime show na "It's Showtime" sa Kapuso Network.

Napa-react si Senador Sonny Angara sa umano’y paglipat ng noontime show na “It’s Showtime” sa Kapuso Network.

Ayon sa ulat, may inaayos lamang umano ang ABS-CBN at GMA sa mga detalye bago inanunsyo ang paglipat ng show nila Vice Ganda.

Matatandaang lumipat ang It’s Showtime sa GTV noong Hulyo matapos nilang tanggihan ang alok ng TV5 na ilipat ang palabas sa isang delayed telecast upang bigyang-daan ang bagong palabas na “Eat Bulaga!” nila Tito, Vic, and Joey.

Sa social platform na X, sinabi ni Angara na hindi kapani-paniwala ang balitang ito.

“Unthinkable just a few years ago,” pahayag ng senador.