Ang tigas ng mukha! China ikinabit ang barrier para harangan ang BFAR sa Scarborough Shoal, na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas

Nakuha pang mangatwiran ng China sa paglagay ng floating barrier kahit na malinaw na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas ang Scarborough Shoal.

Tahasang inamin ng China na ikinabit nila ang floating barrier sa Scarborough Shoal—na nasa loob ng teritoryo ng Pilipinas—para hindi makadaan ang bapor ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa lugar.

Ayon kay Chinese Foreign Ministry spokesman Wang Wenbin, ayaw nilang papasukin sa Scarborough, na tinatawag ng China na Huangyan Island, ang bapor ng BFAR ng walang pahintulot.

“On September 22, without China’s permission, a ship of the Philippine Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, trespassed into the waters near Huangyan Island, and attempted to intrude into the lagoon of Huangyan Island,” sinabi ni Wang sa Beijing.

“China’s coast guard took the necessary measures to stop and warn off the ship in accordance with the law, which was professional and with restraint,” dagdag pa niya.

Iginiit ng Department of Foreign Affairs na bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang Scarborough Shoal, na tahasang ninakaw ng China noong 2012. Naghabla ang Pilipinas sa The Hague laban sa China, at nanalo kalaunan.

Hanggang ngayon, pilit na binabalewala ng China ang panalo ng Pilipinas.