Ang sweet! First Couple naglaan ‘quality time’ para sa kanilang 31st wedding anniversary

"Best weekend!"

“Best weekend!”

Ayan ang naging pahayag ni First Lady Liza Araneta-Marcos nang makasama niya ngayong weekend si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para ipagdiwang ang kanilang ika-31 na wedding anniversary.

Sa Instagram, ibinahagi ng First Lady ang sweet na larawan nila ng Pangulo, kung saan nakayakap ito sa kanya.

“There’s nothing like spending quality time with your better half. Best weekend ever! 31 years and counting,” caption nito.

Matatandang kamaikalan ay kinuwento ni Pangulong Marcos kung paano siya naglalaan ng oras sa kanyang asawa sa kabila ng kanyang busy na schedule.

Kabilang umano sa kanyang ginagawa ay ang i-date sa labas si First Lady Marcos, o ang ipaguto ito sa bahay.

“Well, mahirap talaga ‘yung balanse dahil work takes up so much of our time. Well, hindi lang naman ako, pati si Liza marami talagang ginagawa. So, we try to find five minutes here, twenty minutes there, we eat together. Basta’t whatever the schedule allows, we take full advantage of it,” kuwento nito.