Ang Pasko ay sumapit: Mga pampublikong paaralan maaari pa ring maglagay ng Christmas decoration

Bagaman nauna nang ibinaba ni vice president at Department of Education (DepEd) secretary Sara Duterte ang “no decorations policy” sa mga pampublikong paaralan, nilinaw naman ng kagawara nitong Biyernes, Setyembre 1, na pahihintulutan pa rin ang paglalagay ng mga Christmas decorations.

Tiniyak ni DepEd Undersecretary Michael Wesley Poa na hindi aniya magiging problema ang paglalagay ng Christmas decorations sa mga silid-aralan dahil pansamantala lamang naman ang mga ito.

Paglilinaw naman ni Poa, dapat ay simple lamang ang mga ilalagay na dekorasyon sa mga silid-aralan. Dapat ring siguarduhin na ang mga ito ay pansamantala lamang at hindi permanente.

“Pwede silang [mga guro] mag-decorate as long as simple lang. Ang ayaw lang po natin talaga permanently nasa walls,” paglilinaw ni Poa, na tumatayo ring tagapagsalita ng kagawaran.

Matatandaang nakagawian na ng mga Pilipino ang paglalagay ng mga Christmas decorations, at ito ay kadalasang nagsisimula sa mga “-ber” months pa lamang, na isa sa mga hudyat sa nalalapit na Pasko.

Samantala, ang ‘no decoration policy’ na ibinaba ni Duterte kamakailan lamang ay naglalayong makapagpokus ang mga estudyante sa kanilang aralin.