‘Ang mamatay nang dahil sa’yo’: 7 sa 10 ‘Pinoy, handang lumaban sa dayuhan

Nakahanda ang karamihan ng Pinoy na idepensa ang Pilipinas sa oras na magkaroon ng engkwentro sa ibang bansa.

Nakahanda ang karamihan ng Pinoy na idepensa ang Pilipinas sa oras na magkaroon ng engkwentro sa ibang bansa.

Base sa survey ng OCTA research, nakita na 77 percent o 7 sa 10 Pinoy ang handang makipagsagupaan para sa bansa.

Ito’y kasunod ng pagiging agresibo ng bansang China sa mga Philippine vessel na pumapasok sa West Philippine Sea.

Sa naturang survey, naobserbahan na 84 percent ng mga taga-Mindanao ay handang makipaglaban para sa bansa.

Ang Davao region at Caraga naman ang pinakamataas sa mga rehiyon, na may 96 percent, sinundan ito ng Soccksargen na may 94 percent.

“There are more adult Filipinos in the urban areas (80%) who are willing to fight for the country in the event of a conflict with a foreign enemy compared to those in the rural areas (73%),” ayon pa sa survey.

Kung gender naman ang pagbabasehan, 82 percent ang sa kalalakihan, habang 72 percent naman sa kababaihan.

Matatandaan na sa ASEAN Special Summit sa Australia ay iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kanyang ipaglalaban ang soberanya ng Pilipinas kontra sa ibang bansa.