Ang hirap maging mabuti naman, ‘Pinas! Donasyong 4M plastic cards, kinansela na ng LTO para sa ‘full transparency’

Ang donasyong ito sana ng Philippine Society of Medicine for Drivers (PSMed) ay nagkakahalaga ng tinatayang P160 milyon, at matutugunan sana nito ang kahalati sa kailangang plastic cards ng LTO kada taon.

Opisyal nang kinansela ng Land Transportation Office (LTO) ang apat na milyong plastic card na donasyon sana ng isang pribadong grupo upang iwasan ang posibleng mga kaso dahil dito.

Iyan ang sinabi ni LTO chief Vigor Mendoza nitong Miyerkules, Enero 24, ilang araw matapos nitong anunsiyuhin na may mga proseso pang dapat daanan ang naturang donasyon bago maging pormal.

Ang donasyong ito sana ng Philippine Society of Medicine for Drivers (PSMed) ay nagkakahalaga ng tinatayang P160 milyon, at matutugunan sana nito ang kahalati sa kailangang plastic cards ng LTO kada taon. Sa katunayan, nagpirmahan na ng memorandum of agreement ang LTO and PSMed noong Disyembre 18, 2023 tungkol dito.

BASAHIN RIN: Maagang Pamasko para sa mga driver: 4M plastic cards, ibibigay na donasyon sa LTO para magamit sa lisensya

Sa kabila nito, giniit ni Mendoza na may mga batas at proseso na dapat sundin para matuloy ang donasyon para tiyakin ang transparency.

“The LTO is trying its very best to explore any and all solutions inside and outside the box. But anything we do must be done as instructed, with full transparency and no conditions,” aniya.

Gayunpaman, sinabi rin ni Mendoza na walang klarong patakarang ang Office of the Solicitor General tungkol sa mga donasyong galing sa mga pribadong grupo.

BASAHIN RIN: Red tape pa more? Mga donasyong plastic cards sa LTO, muling naantala dahil sa proseso