Ang alak na dapat nilagay sa tiyan, napunta sa utak! 5 sugatan sa riot sa Tondo sa pista ng Sto. Niño

Kwento ni Kagawad Danilo De Leon ng Barangay 38, nag-ugat ang rambol sa alitan ng dayong mag-jowa umano at isang grupo ng kababaihan na nag-iinuman lamang sa Kagitingan Street.

Nauwi sa rambol ang inumang ginaganap pagkatapos ang pista ng Sto Niño sa Tondo, Maynila nitong Linggo ng gabi, Enero 21.

Kwento ni Kagawad Danilo De Leon ng Barangay 38, nag-ugat ang rambol sa alitan ng dayong mag-jowa umano at isang grupo ng kababaihan na nag-iinuman lamang sa Kagitingan Street.

“‘Yung dumaan, di natin alam kung lasing. Pakiramdam niya siya ang pinag-uusapan, Nakipagtalo raw. Eh dun naman umiinom lang, nagkakasiyahan,” kwento ni De Leon. “Nung nakipagtalo na, umalis. Sabi raw babalik ‘yan. Ngayon pagbalik niya may CCTV, bumalik, kuyog siya. ‘Yung nakaputi, tapos sunod-sunod na ‘yung mga naka-blue. Tapos nagkaroon na ng komosyon.”

BASAHIN RIN: Magagalit ang Señor Santo Niño d‘yan! Pagdiriwang ng Ati-Atihan sa Aklan, nauwi sa labu-labong suntukan

Kwento pa Michelle Baron, na kabilang sa grupong nag-iinuman, may kasama ng mga lalaki ang magkasintahan nang bumalik sa lugar.

“Bale anim sila naka-tshirt na blue. Mga naglalakad na talagang naghahanap po siya ng away,” kwento ni Baron. “Inaano niya ‘yung kapatid ko na tomboy plus ‘yung ate ko.”

Dito na nagsimula ang rambol, kung saan nasaksak pa si Baron at ang kanyang asawa.

Nagkabatuhan rin ng mga bote at kung anu-ano pa ang magkatunggaling grupo.

Kasalukuyang pinaghahahanap ng mga awtoridad ang mga sangkot sa nasabing gulo.