Andrea Brillantes pinagdiwang 1 taong pagiging single!

Isang taon nang single si Andrea Brillantes, at mukhang big achievement na ito para sa aktres!

Isang taon nang single si Andrea Brillantes, at mukhang big achievement na ito para sa aktres!

Sa Instagram story ni Blythe ay pinakita niya ang cake na bigay ng kanyang mga kaibigan na sina Bea Borres at Danica Ontengo.

Nakasulat sa cake, “Congratulations! You’ve made it through an entire year which is 365 days, without a boyfriend. Good job!”

Hirit naman ni Andrea sa kanyang mga tropa, “OA sa pagiging supportive ramdam kahit nasa states.”

Huling naging karelasyon ni Andrea ay si Ricci Rivero, kung saan naging magulo ang break-up ng dalawa.

Na-link si Ricci sa dating beauty queen na si Leren Mae Bautista. Kalaunan ay nakumpirma ding magkarelasyon ang dalawa ngunit paliwanag nila, wala itong kinalaman sa break-up ng basketbolista kay Andrea.