Andrea Brillantes hindi na ‘nagpapakain’

Ipinagmalaki ni Andrea Brillantes na natutunan na niya kung paano dedmahin ang mga negatibong komento na natatanggap niya sa social media.

Ipinagmalaki ni Andrea Brillantes na natutunan na niya kung paano dedmahin ang mga negatibong komento na natatanggap niya sa social media.

Sa panayam ng press para sa paparating niyang palabas na ‘High Street’, ibinahagi ni Andrea na hindi na siya nagpapakain sa social media.

“Hindi po kasi ako nagpapakain sa social media. I’m really grounded naman sa real world. I know it’s easier said than done,” saad ng aktres.

“I think kapag natutunan mo lang ma-appreciate ‘yung life itself, na life is more than just social media, phone, comments, and people na hindi mo naman kilala na nagko-comment sa life mo, kailangan hindi ka into it masyado,” dugtong pa ni Andrea.

Nagbigay din siya ng payo kung paano made-dedma ang mga negatibo na tao sa social media.

“Social media kasi you can easily turn off the phone and read a book, meet your friend, reconnecting with nature, doing (chores) sa house, meeting your friends hindi lang through phone,” dagdag pa ni Andrea.