Andito lang kami: BI, handang ilikas ang mga Pinoy na apektado ng giyera sa Israel

Kasunond ng nangyaring karahasan sa Israel, tiniyak ng Bureau of Immigration na tutulungan nito ang mga Pilipino lumikas mula doon kung nais nila.

Tiniyak ng Bureau of Immigration (BI) nitong Lunes, Oktubre 9, na handa itong magbigay ng tulong sa mga Pilipinong nais umuwi ng bansa sa gitna ng karahasan sa Israel ngayon.

“The safety of our kababayans is a top priority for the government. The BI will do what it can to extend assistance to agencies involved in the repatriation of Filipinos,” mariing sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco sa isang pahayag.

Dagdag pa niya, makikipag-ugnayan ang BI sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) upang tukuyin kung kailan ang mga posibleng repatriation ng mga Pilipinong uuwi ng Pilipinas.

Matatandaang sumiklab ang tensiyon sa tinatawag na Holy Land nang bombahin ng grupong Hamas ang nasabing bansa.