Andi Eigenmann nilantad dahilan ng pagkamatay ni Jaclyn Jose

Kinumpirma ni Andi Eigenmann na pumanaw na ang kanyang ina na si Jaclyn Jose noon pang Sabado, March 2.

Kinumpirma ni Andi Eigenmann na pumanaw na ang kanyang ina na si Jaclyn Jose noon pang Sabado, March 2.

Ayon kay Andi, sumakabilang-buhay ang kanyang ina matapos itong atakehin sa puso.

“It’s with a great sadness that I announce the untimely passing of my nanay, Mary Jane Guck, better known as Jaclyn Jose, at the age of 60, on the morning of March 2nd 2024, due to myocardial infarction or a heart attack,” lahad ni Andi.

Emosyonal ding nagpasalamat si Andi sa lahat ng nakiramay at nagpaabot ng mensahe sa kanilang pamilya.

Nakiusap din ang aktres na respetuhin ang kanilang privacy habang sila’y nagluluksa sa pagpanaw ni Jaclyn.

“Please provide us the respect and privacy to grieve and we hope that this would put all the speculations to rest,” wika pa ni Andi.

Si Jaclyn ang kauna-unahang Pinay na nanalong Best Actress sa Cannes Film Festival para sa pelikulang ‘Ma’ Rosa’.