Ancajas tiklop kay Inoue sa round 9

Bigo si Jerwin Ancajas na maiuwi ang WBA bantamweight title matapos siyang paluhurin ng Japanese champion na si Takuma Inoue sa ika-siyam na round ng kanilang bakbakan nitong Sabado sa Japan.

Bigo si Jerwin Ancajas na maiuwi ang WBA bantamweight title matapos siyang paluhurin ng Japanese champion na si Takuma Inoue sa ika-siyam na round ng kanilang bakbakan nitong Sabado sa Japan.

Dalawang magkasunod na right uppercut ang pinatama ni Inoue sa bodega ni Ancajas na siyang nagpabagsak sa Pinoy challenger.

Hindi na nakatayo si Ancajas at hininto na ng referee ang laban.

Sa mga naunang round ng bakbakan ay nagawa pang makipagsabayan ni Ancajas kay Inoue, ngunit kapansin-pansin na mas maraming napatamang solidong suntok ang pambato ng Japan.

“I knew my opponent would be the best,” pahayag ni Inoue matapos ang laban. “I didn’t know what to expect, but I’m really glad that we got this result. My opponent was so skilled and so strong, which gives me so much confidence. I hope to show a new side of me moving forward.”

Pinaganda ni Inoue ang kanyang win-loss record sa 19-1. Ito pa lamang ang ikalima niyang panalo sa pamamagitan ng knockout.

Sa kabilang dako, natamo ni Ancajas ang ika-apat na pagkabigo sa kanyang karera.