Anak ni Billy Mamaril, pumanaw sa edad na 15

Sumakabilang-buhay ang anak ni dating PBA player Billy Mamaril na si Audrey Elizabeth.

Sumakabilang-buhay ang anak ni dating PBA player Billy Mamaril na si Audrey Elizabeth.

Siya ay edad 15.

Sa obituary ng Dignity Memorial nakasaad ang ilang detalye tungkol sa pagpanaw ni Audrey, na nangyari noong February 9.

Ang ina ni Audrey at first wife ni Billy na si Christine Bayer ay sumakabilang-buhay din noong 2018.

Samantala, labis ding nalungkot ang second wife ni Billy na si Paulette sa maagang pagkawala ni Audrey.

“My sweet loving angel @audreymamari I love you so much,” wika ni Paulette.


Maging ang kapatid ni Audrey na si Sofia ay labis diung nalungkot sa pagpanaw nito.


Nagpaabot din ng pakikiramay ang mga fans ng Ginebra, ang koponan kung saan nakilala si Mamaril sa PBA.